Usapang Pangkababaihan lalong laluna pang Pinay sa English kaya o Pilipino, pagsamahin natin ang mga pangarap, pagtingin, pananaw sa mundong ginagalawan natin. Let's weave a tapestry of our voices, knowledge and dreams. Let's enrich our lives with these treasures.
Monday, 1 August 2011
Buwan ng Agosto, Buwan ng Wikang Filipino
(Source:internet)
Buwan ng Wikang Filipino. Unang araw pa lang ng Agosto, nagsimulang
sumikat ang araw. Mga tatlong linggong halos di nakita ang araw.
Walang tigil ang ulan. Panahon ng tag-lamig sa kainitan.
Mahirap din magsulat sa sarileng wika. Ang pagiisip ay halo-halong
salitang banyaga.
Di ko alam para bang ako'y nagsusulat ng tula
Lahat ng salita ay parang inuugma (wow ang lalim)
Anong gagawin sa unang araw ng Agosto
Nasanay na yata ako sa lamig at ayaw na sa init.
Pinagmamasdan mula sa bintana
mga nagdadaang tao may dala-dalang kundi aso ay bata
pero mas maraming may dalang tuta.
Ang summer job ko ay gumawa ng libro
Sa pagaaral ng wikang Filipino
Ang mga pahinang di pa napupuno
malibang sa Ano pong pangalan ninyo.
Ay buwan ng Agosto
Huwag kang masyadong iinit
Sapagkat ako'y sanay sa lamig.
Kaunting ulan hiling ko sa yo
Para sa aking mga tanim na self-supporting
Kaunting init laban sa depression
Kaunting hangin parang de abaniko
Habang naglalakad o nagshoshoping
Para di uminit ang ulo
sa taas ng mga presyo.
Tapos na muna dito ang blogging
Kontrata ng trabaho
Ay dapat isipin.
Susunod na pahina,
Kumusta po kayo
Mabuti naman
Anong Status ninyo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment