Yun unang foto ay galing sa isang online newspaper na nagbabalita
tungkol sa pinakamalakas na bagyong dumating sa Europa mula
pa nuong nakaraang 20 taon. Kyrill (galing sa klasikong Grekko na
ibig sabihin ay Panginoon) ay binalitang may lakas na umaabot ng
200 kph sa Alemanya.
Naisip ko naman, ano naman kaya ang ginagawa ng mamang to
sa tabi ng dagat eh alam naman ng lahat na malakas talaga ang
dadating na bagyo.
Historical date din para sa akin ang pagdating ni Kyrill kasi eto ang
unang brown-out ko sa Alemanya. House arrest kami kasi nga
malakas daw talaga ang orkan na ito or bagyo kaya dapat stay indoors
muna daw kung puede. Tumigil ang serbisyo ng mga tren at busses pero
may libre naman daw na pagkain at rationed blankets para duon sa mga
naestranded sa estasyon. Hindi kasali ang Starbucks dito sa station, sigurado.
Ang sarap sanang manood ng bagyo mula sa balcon kung may mainit
na maiinom. Kasi sa Pinas ganon naman di ba, palaging may pinapapak
tayo kung titigil din lang sa bahay gawa ng bagyo.
Walang kuryente, walang mainit na malagkit na tsokolate na
binile ko pa sa Italy.
Walang kuryente, walang blogging, walang chatting, walang telepone,
ang mobile
low bat pa rin.
Ang hirap talaga ng walang POWER!
Pina von Alemania

No comments:
Post a Comment