Tuesday, 23 January 2007

A Visit from a Precious Friend


Last Friday, Marion called me up informing me that she
would be passing by with Fatima. Ay Susmaryosep! Naka
limutan ko na may bisitang dadating ngayon weekend.
Nakalimutan ko din nasa Europa na ako matagal nakatira.
Walang ffs sa mga scheduled activities o dates kung
walang importanteng pagbabago sa mga planning.
Katatapos din lang ng Orkan Kyrill kaya siguro naiisip ko
na hindi na matutuloy ang mga bisita kaya ayun, nagkalat
pa rin ang mga libro at tiramisu (mga tirang kakanin sa
lamesa na pinagtripan ng dumadaan si Killyr o Kyrill sa
kalagitnaan ng Alemanya.) Swoops, sa isang daanan,
nadala lahat ang mga kalat sa salas duon sa silid tulugan,
pinunasan ang mga namumuting at nakikitang alikabok at
hinoover ang ilang parte ng carpet sa living room. At
ayun, sana naman nag-mukhang living room din yun
lugal ko pag ako ay may bisita.
At this point, hubby commented: Aha, talagang
kailangan
lang ng bisita para umayos tong salas at ang bilis!
(Tignan ko lang sa isip-isip ko ano ang sasabihin mo pag
pinanay ko ang pagbibisita, baka mastroke ka bigla at
palitan ang aming pangalan duon sa doorbell.)
Pero of course, hindi ko sinabi na nakalimutan ko ang
aming date. Nambola lang at sinabing akala ko hindi kayo
makakarating gawa ni Orcan Kyrill. Sagot ng magandang
Fatima:
Basta sinabi ko at naplano ko na, itutuloy ko at hindi na
ako tatawag
pa.
So learning points for Pinays:
Be sure of your invitation, walang bola-bola, walang
pabalat-bunga o sabi nga ni Tata Pons walang
"fruit of the loom".
Pero sa atin, magpapasiguro pa tayo, tatawag uli,
ipaaalala tuloy o hindi ba kahit tayo yung naimbita o
nangiimbita, di ba?

Later that evening, I was still thinking: ano kaya ang
aking ipakakain sa marikit na muslim?

Isang civil engineer si Fatima at sa kasalukuyang may
scholarship siya sa Alemanya. Nag-aaral pa siya ng
salitang Aleman at sa susunod na mga buwan,
magpapatuloy sila sa management at trainings sa ilang
mga institusyon sa Alemanya bago sila magsibalikan sa
kani-kanilang bayan.


Marami kaming napag-usapan, mula sa kaniyang hijab
"bandana" at sa kaniyang mga kaibigan. Ito ay sinusuot
din ng mga kababaihang Kristiyano at hindi lang ng mga
kababaihang Muslim sa kanilang bayan. At sa tingin
naman niya, matahimik naman ang pagsasama ng mga
Christians at Muslims duon sa kaniyang bayan. Maraming
kaibigan silang mga Christians lalong lalo na ang
kaniyang nanay.


Nang mapagusapan namin ang malulungkot na
karanasan ng mga ibang Pinay sa mga sinasabi naming
Islamic na bayan, nanghilakbot at nalungkot siya at sinabi
na lang, na hindi ito Islam. Sana sa susunod na aming
pagkikita, mas marami na siyang salitang Aleman o
magsasalita na lang kami sa English para mas lalo
kaming magkaintindihan.


Pero ganon pa man, kahit sa kakaunting salitang
alam namin, para kaming magtagal na magkaibigan
at may basis ang aming pagkakaunawaan kahit pa
magkaiba ang aming mga paniniwala at kaugalian.
  • mahilig ako sa red wine, siya sa black tea lang
Pero nagustuhan niya ang ginawa kong sushi na
sabi ko "halal" yan. At sa lahat, nagustuhan din
niya ang pandisal na ginawa pa ni Baby W. galing
Mindanao. I mean nagbabakasyon si Baby W.
sa Europa at nagshared siya ng kaniyang knowledge
how to make pandisal. Sa mga susunod na
posting yun how to make pandisal.

Pina von Alemania

No comments: