Sunday, 25 July 2010

Maria Went to Town Project ni Jecay


(Si Jecay habang nagbabakasyon sa Pinas in action)


Sharing here an a short info about a project initiated by Jecay
who lives in NL. We met in one of Babaylan Europe's trainings some
light years away about migrant women's empowerment. She is now
involved in one of the projects of her many networking groups
dealing with this theme migration and development. Wish you
more energy,inspiration and success in your projects, Jec.

Eto yun sharing ng aking kaibigang Jecay.

Hello my dear!I was really happy that you came last Saturday!Masaya din ako na mag-invest ka ki Maria4MDGs!I hope na maging successful itong proyekto na ito. It is a big one but I always think positive. Kung ang karamihan na mga diaspora ay katulad mong mag-isip na tutulong sa kapwa natin doon sa hometown natin maging productive ito at malaking maitutulong sa development not only in terms of women empowerment ma-improve din ang kanilang pamumuhay!.Busy din ako ngayon sa bagong proyekto ko sa baryo namin. May mga mothers na mga asawa ng mga rice growers na gustong magtayo ng panahian. So far, may pito na ka mga dressmakers na nakatanggap ng certificate as Dressmakers at gusto na nilang magtatayo ng sariling dress shop. Awa ng Diyos aktibo ang mga asawang na membro sa Samahang Nayon at may isang building na hindi nagamit at doon sila tatanggap ng mga customers. Marami na silang natahi like last March mga toga at pina-rentahan nila ito at may income na din sila. I gave them starting capital to buy the materials and we shared the income.I was also able to sollicit and sent 8 sewing machines. Mid of May they will open the "PACHADA Tailoting and Dress Shop" a livelihood program of Samahang Nayon, Purok 4, Barangay Cabubuhan, Magsaysay, Misamis Oriental. Maraming naghihingi ng tulong talaga! Ay naku! Isa-isahin ko lang muna pero kung pupunta ka sa aming baryo doon mo makikita ang iba-ibang proyekto ng Damayan, BisDak at personal kong proyekto.I am so proud of you din uy!...

Susunod na email ni Jecay:

Kumusta ka na?Maganda ang panahon daw ngayon pero uulan mamayang gabi (sana naman hindi malakas, ano?Maganda ba yong report ko or just a short background of what I did.Sa tingin mong magandang i-share ito sa ibang mga kababaihan, why not no?Personal initiative ko lang ito pero pangangailangan ito sa aming baryo at kahit sa aming bayan walang-wala talagang tailoring at dress shop. Tuwang-tuwa na nga ang mga kababayan ko dahil mayroon na silang papuntahan at may magtatahi na sa kanilang mga uniforms lalo na sa mga high schools students at mga government employees. Ito ang kwento: Last year may nagbigay na dalawang secondhand na makina galing sa matandang tinutulongan ko at at ang isa ay galing sa matalik na kaibigan kong Dutch at galing din yon sa kaibigan niya.Dahil wish ko talga na makatulong sa kapwa kababaryo pinadala ko itong dalawang makina doos sa suki ko na professional dressmaker. May sulat akong pinadala sa kanya at sabi ko na nag-promised ako sa kanya na padalhan ko siya ng makina dahil ang ginamit nya yong local na sewing machine at ang daming tatahiin nya na halos hindi niya kayang tapusin at hindi masagot ang mga pangangailangan ng mga customers.At sabi ko na ibibigay ko ito basta tutulong siya sa mga kapwa niyang mga mothers through magbibigay ng sewing lessons. Last June 2009 nag-offer ang isang professional tailor na matanda na at may tahian sa kabilang barangay at sabi niya sa mga taga Samahang Nayon Rice Growers na willing siyang magbigay ng lesson every Saturday. Nangyari yong at every Saturday nagsipuntahan ang 12 na mga mothers at natutong magtahi ng mga pantalon, short ants at polo shirts. Nagbayad din ang mga participants ng P20.00 para ibigay sa teacher nila for honorarium pero hindi kasya so ang ginawa ko nag-sponsor ako for few months.Pagka-August nag-start ang dressmaker sa pagbigay ng sewing lessons until December. In between nag-sollicit ako at naghanap na sponsors para makapadala ng mga secondhand na makina para may magamit sila. Salamat nalang na may mga kaibigan akong may negosyong balikbayan boxes (HOLPHIL Trading) at napadala ang mga anim na makina at may 2 computer pa para sa Samahang Nayon at sa isang coop na nasa kabilang barangay.Last end of December graduation nila and it was held at the barangay hall. Mayroon silang fashion show (pinakita nila ang mga tinahi nila through fashion show )at na-touched daw ang mga puso ng mga mothers na kahit na daw payat, matanda na sila naging successful at na-achieved ang kanilang mga dreams na mayroon silang sariling kaalaman at magagamit ito at may hanap-buhay na sila.May prizes na bingay at umiyak ang nanalo ng first prize dahil may natanggap siyang Singer sewing machine. Ang suki ko ditong sewing machine store ay nag-donate ng isang very heavy duty na sewing machine!Out of 12 participants 7 lang talaga ang nakapasa at itong pitong mga kababaihan ang magtatayo ng "Pachada Tailoring and Dress Shop, alivelihood program ng Samahang Nayon Double Action Asso. at busy sila ngayon sa pag-asikaso ng mga papeles para maging isang cooperative.As of now, maghahanap akong mga sponsors para makabili sila ng mga materials lalo na ngayon na bakasyon at maraming magpatahi ng mga school uniforms. Nag-start talaga sila ng zero.Dito ko rin mag-start ng investment ko. Mag-start ng maliit hanggang lalaki ito. Step by step! Hinay-hinay basta kanunay!Sa June mag-start ang second batch at itoy mixed talaga mga nanay at tatay!I need more sewing machines to send to my home barrio. A little thing makes a big difference!Share some of the blessings what we receive from God to our kababayan especially those who are in need!Have a very nice day!


Jecay Ligan van Olanda with luv!

No comments: